is it time to let go?..
i was too blind to see
that we”re really not meant to be
thinking i’m the one for you
and you’re the one for me
you made me believe that you’re different
yet ended just like them
promises are just promises
full of empty words
all meant to be broken
i was left hanging on a string
full of questions
full of uncertainties
yet you want me to keep on waiting
what if the time comes and you’re ready
it’s the time i lost my patience and give up?
will you run to me?
and do the same waiting i did for you?
i’m tired to get some of your attention
im tired of running after you trying to catch you
i dont wanna say this
but it seems..
im tired of loving you…
Being single by Miu Apostol (1st blog i made before)
“I don’t rush into falling in love for love never runs out even if tawanan nila ako cos I’m single I just tell them ‘God is just busy writing the best love story for me’…”
Ang ganda diba? Natuwa ako when I first received this quote, masyado kasi ako natamaan. Sa totoo nga nyan e nagging fave kowt ko pa to. Ito ang lagi kong sagot if may nangaasar sakin or nagtatanong kung why ako single (mga nagtataka siguro). Well ilang beses nadin akong tinukso sa pagiging single ko. Before syempre naiinis ako kasi excited at gusto ko din naming magkalovelife. Pero nung natanggap ko to, WOW! Uo nga tama! Di naman siguro hahayaan ni God masayang ang beauty ko. Baka talagang nireready nya lang ako at ang magiging partner ko for life. Pero matagal din bago ko narealize ang kasiyahan ng pagiging single. Matagal tagal bago ako nakuntento sa pagiging ganito ko. Pero ano nga ba ang problema sa pagiging single?
- CHAPERON: Ayan ! ito ang isa sa nagging major problem ko! Ang pagiging mukang tanga pag lakad ng barkada..huhu! Parang nakakalungkot naman isipin diba kung lahat ng kasama mo HHWW, may paakbay akbay pa, hati sila sa pagkain, may nanglilibre sa kanila, samantalang ikaw? Solo mo na food, solo mo pa gastos, higit sa lahat solo mo pa daan. Maglakad ka mag-isa mo! Parang minsan mas gugustuhin mo nalang humiwalay at lumayo sa grupo nyo pero pangit din amang tignan kung nagiisa kang nagmomall, kumakaen at nanonood ng sine diba? Ok enjoy yourself mam!
- BEHLAT: Minor nalang ang pangaasar sakin kasi naovercome ko nato. Narindi narin siguro ang tenga ko sa pangaasar nila o baka talagang wala lang dating. Haha! Kasi di naman din ako bata para iyakan ko pato diba?!hmph!
- NO ONE TO SHARE YOUR LIFE WITH: Ahm.. mejo matindi to! Sabi nila masaya daw pag may lagi kang kasama at may nasasabihan ka ng mga pangyayari sa buhay mo at nararamdaman mo. Di ka naman siguro habambuhay aasa sa diary mo na sinimulan mo pa nung elem ka na ang laman e ang walang sawamong paghihintay sa crush mo sa kabilang section na magtapon ng basura o magtaktak ng eraser. Umasenso ka naman iha!
Pero panu nga ba magenjoy kahit single? Oo iba talaga feeling pag may bf ka pero habang wala dapat sanay ka kahit magisa ka. Be independent and keep smiling even if your loveless. Have fun with your life girl!Spend time with your girl friends. Wag ka papaapekto if ang topic ay puro lovelife o kaya switch the topic to something else (but make sure na maeenjoy ng lahat at di boring). Iwasan nga din pala ang senti mode, wag masyadong dibdibin ang katotohanang wala kang bf.
Back to the kowt! Di naman porket single ka ngayon e single ka na for life. Di ka naman mauubusan ng lalaki sa mundo! Sa laki ba naman ng populasyon nay an! May mabubulag din sayo! Haha! Pero kidding aside, ako kasi naniniwala ako na bawat tao ay may destined partner meaning may nakalaan sa bawat isa. Pero kung may magtatanong sakin kung bakit may namamatay na single, ang sagot ko lang jan ay “it’s their destiny and they will find their true love waiting for them in heaven.” Di naman kasi masama maghintay. Ala naman sa 10 commandments yun diba?.. sabi nga “true love waits” kaya it’s better kung maging happy ka na naghihintay while your single. Enjoy life! Focus your mind to other things and wag kang atat, darating din yan. Just be thankful na you still have your family, friends and other people who stayed beside you simula hanggang wakas. Di naman din kasi nakakahiya ang pagiging single. Di naman porket single ka e ikaw na ang pinakapanget na nilalang sa mundo. Tandaan mo di ka nagiisa noh (andito pako..hehe).Saka di naman sukatan ng pagiging maganda ang pagkakaroon ng bf. Alam mo yan for sure! Dahil minsan sa buhay mo, napapatanong ka din, “Bakit ganon? Mas maganda naman ako sa kanya pero bakit sya may bf? Bat ako wala?”. Tsk! Wag kang mainggit noh! Isipin mo nalang yung darating sayo e mas gwapo sa syota ng panget na yon! Hehe! Saka kung walang nakakapansin sa beauty mo, aba! Malabo lang talaga mata nila! Don’t ever underestimate yourself for everyone is a blessing. Diba nga we are created in the image and likeness of God so ang ibig sabihin dyosa tau! Haha! Pero siguraduhin mo din naming nagaayos ka kahit papano at di ka huli sa fashion, bakanaman yung mga damit mo e panahon pa ng hapon at ang itsura mo e di nalalayo kay Sisa, aba e talagang walang magkakagusto sayo nyan. Syempre para may magkagusto sayo gustuhin mo muna ang sarili mo. Kawawa ka naman diba. La ka na ngang bf pati ba naman ikaw mismo di mo kayang mahalin ang sarili mo. Maawa ka naman sa sarili mo! Tsk!
And if that someone came, timbangin mo muna ang nararamdaman mo. Are you sure na mahal mo talaga tong tao na to o baka naman dahil no choice ka na? Wag ganun! Dapat alam mo na mahal mo talaga siya and not just because of your loneliness and excitement of having a bf. And pag sure ka na eh di go! This is your chance magmahal at mahalin! Seryosohin mo! Pero pag ikaw ang di sineryoso, iwan mo! Wag kang pakamartir! Wag kang matakot maging single ulit, kesa magtiis ka sa piling nya, he’s not worth it! It just means that may nakalaan pang iba sayo, ang sabi nga baka dumaan lang siya para turuan kang magmahal. Wag kang matakot magmahal! Wag kang matakot masaktan! Take the risk! Pero habang wala, stay single! Be happy! Enjoy life while waiting. I’m sure he will come.
taking each other for granted or people changing over time..
Very demanding ang mga GIRLFRIEND. Gusto ganito, gusto ganyan…
Eh ang mga BOYFRIEND?
Gusto si ganito, gusto si ganyan. >:)
(Source: the-art-beat)







